^

Metro

Salvage victim isinilid sa kahon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima na naman ng salvaging ang isang hindi pa kilalang lalaki na natagpuan sa loob ng kahon na inabandona, sa likod ng Tondo Sports Complex, ma­­lapit sa Manila Police Dis­trict-station 2, kahapon ng umaga.

Sa paglalarawan ni SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD-Ho­micide Section, tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos, nasa 4’11 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, ma­­­puti  at nakasuot  lamang ng kulay asul na brief ang biktima.

Nakaluhod ito sa loob ng  kahon na nababalutan ng packaging tape ang mukha at saka tinakpan ng itim na garbage bag, may nakapulupot pang itim na electrical wire sa leeg, may mga sugat sa dibdib na umano’y mga tama ng saksak .

Pinaniniwalaang hindi iisa ang may kagagawan ng krimen dahil sa sobrang pagpapahirap dito.

Nabatid sa ulat na dakong alas-6:30 ng umaga  nang madiksubre ang mala­king kahon sa nasabing lugar, sa J. Nolasco St., ma­lapit sa himpilan ng Moriones Police Station.

Patungo umano sa simbahan ng Sto. Niño ang isang Teofilo Tatlonghari ng J.Nolasco St, nang maagaw ang kaniyang pansin ng ma­laking kahon at nang lapitan ay nakita niya na may agos ng dugo mula sa kahon.

Pinakialaman niya upang makita ang nasa loob at tumambad nga ang bangkay na nakaluhod at agad namang ipinaalam sa nasabing presinto.

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DIS

MORIONES POLICE STATION

NOLASCO ST

NOLASCO ST.

PINANINIWALAANG

SHY

TEOFILO TATLONGHARI

TONDO SPORTS COMPLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with