30 pupils minolestiya ng photographer
MANILA, Philippines - Pinipigil sa Manila Police District-Station 4 ang isang school photographer nang ireklamo ng mga grade 6 pupil na nangmolestiya sa kanila habang kinukunan sila ng picture para sa school graduation sa Sampaloc, Maynila, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang suspek na si Misael Calam, ng Aurora BouÂlevard, Sta. Cruz, Maynila at photographer umano ng Moises Salvador Elementary School sa Sampaloc, Maynila.
Batay sa ulat ni PO2 Emalyn Rosales, dinakip ang suspek ng mga tauhan ng MPD-University Belt Area Police Community Precinct, dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa sa mismong eskwelahan kasunod ng inihaing reklamo ng may 30 estudyante na paÂwang nasa Grade VI.
Isa umano sa bawat section ng Grade VI ang kinukunan ng litrato ng naka-toga at ang nasabing photographer pa umano ang nag-aayos ng toga, kung saan habang tinatanggal ang butones ng blusa ng mga batang babae ay sinasabayan ng pagkapa sa kaÂnilang dibdib.
Bukod pa umano ito sa ginagamit ang tuhod ng suspek sa pagkiskis sa maselang parte ng katawan ng mga pupil.
Mahigpit man ang depensa ng suspek, dehado naman siya sa mas maraming pahaÂyag ng mga estudyante.
Desidido ang mga magulang na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.
- Latest