3 kuliglig driver, itinumba sa Maynila
MANILA, Philippines - Tatlong kuliglig driver ang natagpuang mga duguan at walang buhay maÂtapos na marinig ang magkakasunod na putok ng baril na umalingawngaw sa madilim na bahagi ng P. Burgos St., malapit sa National Museum sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala lamang sa mga alyas na Michael Kabayo, Baby Mata at Toto ang mga biktima.
Hindi pa rin matukoy kung sino ang responsable sa pamamaril.
Ayon sa inisyal na ulat lulan sa dalawang motorsiklo na kapwa may angkas ang mga suspect na mabilis ding tumakas matapos mapatumba ang tatlo.
Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:30 ng madaling araw nakarinig lamang umano ang isang Reynaldo Luba, barker ng dyip, ng mga putok ng baril sa naturang lugar na ng kanyang tignan ay doon niya nakita ang mga duguang biktima na nakahandusay sa loob ng nakaparadang kuliglig na may plakang HL 4036.
Sinabi ni Luba na ang mga nasawi ay kilala niyang mga pumapasada ng kuliglig sa bahagi ng EsÂcolta sa Maynila at nagtataka siya kung bakit napunta sa madilim na bahagi ng P. Burgos.
Nakarekober naman ng mga awtoridad ang 11 basyo ng bala mula sa kalibre .45 at sa .9mm pistola.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.
- Latest