MMDA nagbabala sa mas matinding bigat ng trapiko
MANILA, Philippines – Mas mahabang pasensiya ang hinihiling ng Metropolitan Manila Development Authority sa publiko kapag sinimulan na ang pagpapagawa ng Metro Manila Skyway 3 (MMS3) project.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na asahan na magdudulot ito ng lalong pagbigat ng daloy ng trapiko kaya naman inabisuhan niya ang publiko na mag-adjust.
"This is a construction of massive proportion that would last 32 months. Building this alternative highway is expected to create traffic problems so everyone should make adjustments," pahayag ni Tolentino.
"What we need is extra huge amount of patience and understanding and cooperation but once Skyway 3 is completed, it will result in faster and more convenient travel within the metropolis," dagdag niya.
Sinabi ni Tolentino na kung maaari ay gawing planado ang mga lakad upang hindi dumagdag sa bigat ng trapiko.
"If you’re a Pasay resident, don’t go to Quezon City just to watch movies. We should plan our trips ahead so as not to contribute to traffic congestion and also for our own convenience," banggit ni Tolentino.
Bukod sa MMS3 ay nakatakda rin gawin ngayong taon ang NAIA elevated expressway, Sta. Monica-Lawton Bridge, Makati Avenue underpass, at Pasay-Taft flyover.
- Latest