^

Metro

Sunog sa Pasay, sanhi ng matinding trapik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sunog ang sumiklab sa isang slum area na nag­dulot nang matinding pagsisikip ng trapik sa mga motorista sa Pasay City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Fire Department, alas-10:45 nang maganap ang sunog sa ilang kabahayan sa Tiedra Compound, Protacio at Ilang-Ilang Sts., ma­lapit sa may Taft Avenue, Brgy. 137 ng naturang lugar.

Nagsimula muna ang sunog sa Protacio St. at dahil mabilis ang pagkalat ng apoy ay umabot ito  sa Ilang-Ilang St., kung saan may ilang sasakyan na rin ang nadamay sa sunog.

Tinupok ng  malakas na apoy ang mga kabahayan sa na­turang lugar at mara­ming pa­milya ang naapektuhan dito. Dahil dito sumikip na rin ang daloy ng trapiko sa area ng Taft Avenue.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang na­abo. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insi­dente.

BRGY

ILANG-ILANG ST.

ILANG-ILANG STS

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE DEPARTMENT

PROTACIO ST.

SHY

TAFT AVENUE

TIEDRA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with