^

Metro

Mister umawat sa away, pinatay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister habang isa pa ang nasugatan nang pagsasaksakin ang mga ito ng isang lasing na lalaki na inawat lamang ng mga una sa isang kaguluhan, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Bartolome San Pascual, 38, ng F. Alcanar St., Brgy. Wawang Pulo ng naturang  lung­sod habang inilipat naman sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Felicitas Bitangcol, 44,  kapitbahay ng nasawi.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Benigno­ Andaya, 42, na kapitbahay ng mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente  alas-9:30 ng gabi, malapit sa bahay ng mga biktima­ sa naturang lugar.

Nabatid, na nakikipag-inuman ang suspek sa nasabing lugar nang makatalo at hamunin ng suntukan ang isang alyas Allan.

Umawat naman ang nasawi, subalit inaway din ito ng suspek hanggang sa magsuntukan kung saan pumagitna naman si Bitangcol.

Lalong nagalit ang suspek, dahilan upang manugod ito ng saksak at inabot ang ginang at pagkatapos ay pinagsasaksak din ng una si San Pascual.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa nabanggit na mga ospital, subalit si San Pascual ay hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

ALCANAR ST.

BARTOLOME SAN PASCUAL

FELICITAS BITANGCOL

JOSE REYES MEMORIAL ME

SAN PASCUAL

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with