Kelot utas sa tandem
MANILA, Philippines - Muli na namang nakalusot ang mga kriminal na riding-in-tandem nang pagbabarilin at mapatay ang isang lalaki sa Parañaque City, kahapon ng umaga.
Inisyal na nakilala ang naÂsawi na si Jun Usman, naniÂnirahan sa Muslim area sa Brgy. Sto. Niño, sa naturang lungsod. Matagumpay namang nakatakas ang mga saÂlarin lulan ng isang motorsiklo.
Sa ulat ng pulisya, naglalakad sa Ninoy Aquino Avenue sa may Brgy. San Dionisio ang biktima dakong alas-10:57 ng gabi nang lapitan ng isang lalaki at agad na pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang gunman nang umangkas sa isang motorsiklo.
Tumanggi naman ang kaÂanak ng nasawi na isailalim ang bangkay ng biktima sa awtopsiya bilang paggalang sa kanilang relihiyon.
Blangko naman ang puÂlisya sa motibo ng mga susÂpek sa ginawang pamamaslang dahil sa hindi pakikipagtuluÂngan ng mga kaanak nito.
- Latest