^

Metro

Humalay at pumatay sa 6-anyos, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado na ang suspect na humalay at pumatay sa isang 6-anyos na batang babae sa isinagawang follow-up operation sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa inilunsad na “Oplan Pink Angel” na binuo ng Manila Police District-Station 10  sa pamu­muno ni Supt. Alfredo Opriasa at MPD-Homicide Sec­tion sa pamumuno ni Chief Insp. Steve Casimiro, nadakip ang suspek na si Mark Leo Avila, alyas Ryan, 34, pedicab driver, residente ng Kahilum 1, Pandacan, Maynila.

Ang suspect ay sinasa­bing kapitbahay ng biktimang si Arlyn­ Joy Balolong na gina­hasa at pinatay bago inabandona sa madamo at madilim na bahagi ng Old PNR station sa Paco, Maynila, kamaka­lawa ng madaling-araw.

Una nang nagduda ang ba­rangay kagawad na si Ramon Sus, nang may makitang naiwan na maong na pantalon sa lugar hanggang sa madiskubre ang bangkay ng bata na walang saplot ang pang-ibaba at duguan ang kaselanan.

Ayon sa awtoridad, naka­tulong din sa kanilang paghahanap sa suspect ang mga kagawad ng Brgy. 827 Zone 95, na nakipag-ugnayan sa may-ari ng CE Printing Ser­vices Company na may footage sa kanilang closed circuit television (CCTV), kung saan napanood na akay-akay ng suspect ang biktima patungo sa lumang PNR station.

Mismong ang ama ng biktima na si Ariel Balolong ang positibong kumilala sa suspek at anak nang makita sa CCTV, habang napapasigaw at umi­iyak .

“Anak ko yan, anak ko yan. Si Ryan yan, kapitbahay ko yan,” pasigaw na sinasabi at lumuluhang si Ariel Balolong.

Tugma naman sa mga na­ging testimonya ng dalawang kagawad ng barangay 825 Zone 89 na nagsabing  una nilang nakitang kasama ng suspect ang bata at nang muling mamataan ay mag-isa na lang ito.

Natunton ang suspect ha­bang namamasada pa ng pedicab sa panulukan ng Kahilum at Macopa St. sa Pandacan dakong alas-8 ng gabi.

Mula sa PS-10 ay inilipat na ng MPD-Homicide Sect­ion detention cell ang suspect habang isinampa na ang kasong rape with murder sa Manila Prosecutor’s Office­.

Ayon kay PO2 Michael Maraggun, ng MPD-Homicide Section, umamin ang suspect na nagawa lamang ang krimen dahil nakagamit siya ng iligal na droga.

ALFREDO OPRIASA

ARIEL BALOLONG

AYON

CHIEF INSP

HOMICIDE SEC

MAYNILA

PANDACAN

SHY

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with