Taga-Muntinlupa wagi ng P155-M sa Grand Lotto
MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang buwan ay may nanalo na ng P155 milyon sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ng PCSO na taga-Muntinlupa city ang nag-iisang panalo na tinayaan ang numerong 02-38-32-10-08-03 sa isang lotto outlet sa lungsod.
Nagsimula sa P30 milyon ang premyo ng Grand Lotto noong Nobyembre 16, 2013 hanggang sa lumaki ito, dagdag ng PCSO.
Samantala, isang sundalo naman ang huling nanalo ng P148 milyon ng Grand Lotto.
Namimili lamang ng pasalubong sa Divisoria Market ang taga-Mindanao na sundalo nang maisipang tumaya sa lotto.
- Latest