25 dayuhang negosyante inaresto
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang may 25 Chinese natioÂnals na umano’y nagneneÂgosyo sa Baclaran, PaÂrañaque ng walang kaukulang working permit at working visa noong Biyernes ng hapon.
Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, nakatanggap sila ng report na naglipana ang mga dayuhan na nagsasagawa ng buy and sell sa Baclaran Mall ng walang kakukulang dokumento mula sa kawanihan.
Paliwanag ni Mison, ang kanilang operasyon ay bunsod ng umano’y patuloy na paglabag ng mga dayuhan sa immigration laws.
Kinilala ang mga Chinese national na sina Wang Minghai, She Wen Wei, Chai Shanshan, Shi Aizhu, Zhan Sisi, Ke Wuyan, Shi Ling Rong, Xu Qui Lin, Chun Li Shi, Chen Rongxing, Lin Jintang, Shi Hong Yao, Chen Ziwei, Wu Huati, Xiao Chang Cheng, Ke Meifen, Yang Zhi Tuo, Yao Li Qing, Chen Qing Zhen, Reyes Chua, Xu Xiuqi, Zeng Hualang at Cai Yan Mian. Dinakip din ang dalawa pang menor de edad.
Sinabi naman ni BI acting intelligence division chief Jose Carlitos Z. Licas ang mga “Chinese businessmen†ay nagtya- tiangge sa likod ng Baclaran Terminal Mall.
- Latest