^

Metro

Kano nanlaban sa 3 holdaper, utas

LudyBermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang American national nang manlaban umano sa tatlong holdaper sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Robert John Karlsen, 58 anyos, ng 1827 Cornelia, 1R-Ridgewood, New York City.

Nakatakas naman ang tatlong lalaking holdaper na pawang armado umano ng patalim, tangay ang mga mahahalagang gamit ng biktima.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, alas-4:00 ng madaling araw sa P. Faura st., malapit sa panulukan ng M.H. del Pilar St., sa Ermita ay naglalakad umano ang dayuhan nang lapitan at tutukan ng mga suspek ng patalim.

Sa pagpalag ng biktima, inundayan siya ng saksak at sinalag ito kaya nasugatan ang kaliwang palad, subalit sinundan pa ng saksak sa dibdib ng dalawang ulit at isa sa tiyan, bago tinangay ang dalang gamit at hindi pa batid na halaga ng pera.

Dalawang hindi pina-ngalanang bading ang tumulong sa biktima at dinala siya sa Ospital ng Maynila subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ang labi ng biktima ay nakalagak na sa St. Rich Funeral Morgue, habang patuloy na iniimbestigahan ang kaso para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa US Embassy para sa labi ng biktima.

 

CORNELIA

ERMITA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NEW YORK CITY

PILAR ST.

ROBERT JOHN KARLSEN

RODELIO LINGCONG

ST. RICH FUNERAL MORGUE

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with