^

Metro

Punerarya nadenggoy ng ‘SPO4’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay tayo diyan!

Ito na lang ang nasambit ng isang ginang na may-ari ng isang punerarya sa Maynila na natangayan ng P4-libo ng isang nagpakilalang pulis na nakatalaga umano sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD) na ‘porsyento’ umano sa  patay, subalit natuklasang wala naman nang puntahan ang isang ospital, kahapon ng umaga.

Ayon sa inihaing reklamo sa MPD-General Assignment Section ng biktimang si Baby Biagan, 63, may-ari ng Jay Funeral Parlor na matatagpuan sa no. 1914-18 C-2 Capulong Highway, Tondo, isa sa dalawang suspek ang nagpakilalang “SPO4 Manny Villanueva” na nanghingi ng nasabing halaga kapalit ng ibibigay na patay, na nasa morgue pa umano ng Chinese General Hospital, dakong alas 11:45 ng umaga, kahapon.

Nang papuntahin ni Biagan ang mga tauhan ng punerarya sa ospital, natuklasan na walang patay sa sinasabing oras na inimbestigahan ng mga nasabing pulis, kaya bumalik na lamang sa punerarya.

Dahil dito, nagtungo sa MPD headquarters ang ginang at naberipika na walang nakatalagang SPO4 Manny Villanueva sa Homicide at wala ring nagtungong imbestigador sa nasabing ospital ng mga oras na iyon.

“Binigyan pa ako ng calling card at nabasa ko ang pangalan niya. Tiwala naman ako na taga headquarters siya kaya nagbigay ako ng pera,” ani Biagan.

Pinag-iingat na lamang ang mga may-ari ng punerarya sa modus ng nasabing lalaki na hinihinalang pekeng pulis.

 

BABY BIAGAN

BIAGAN

CAPULONG HIGHWAY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HOMICIDE SECTION

JAY FUNERAL PARLOR

MANILA POLICE DISTRICT

MANNY VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with