4 na miyembro ng carjacking syndicate, huli
MANILA, Philippines - Nalambat ng Quezon City Police District ang apat na suspect sa panghoholdap at pagtangay sa sasakyang Land Cruiser ng driver ni dating kongresista na si Mat Defensor sa lungsod kamakalawa.
Kinilala ni QCPD director Richard Albano, ang mga suspect na sina Gonzalo Terado, 38; Noel Delosa, 34; Alvin Ignacio, 33, at Dennis Valdez, 29.
Ayon kay Albano, ang mga suspect ay naaresto ng mga tauhan ni Police Supt. Richard Fiesta, hepe ng Anonas Police Station, makaraang maispatan dahil sa panghoholdap sa biktimang si Danilo Victoria, ang driver ng Kongresista.
Nangyari ang pagdakip sa may Balara Filter sa Bgy. Pansol, ganap na alas-2:45 kaÂmakalawa ng hapon.
Bago nito, ayon kay Fiesta, alas-2 ng hapon, nasa loob ng minamaneho niyang Toyota Land Cruiser (PQO-256) si VicÂÂtoria at naghihintay sa dating KonÂgresista, nang biglang duÂmating ang mga suspect na sakay ng isang motorsiklo.
Mula dito ay biglang tinutukan ng baril ng mga suspect ang biktima saka inutusang paÂandarin ang sasakyan patungong Brgy. Pansol.
Kasakukuyan namang nagÂpapatrulya ang tropa ng PS9 sa lugar sa pamumuno ni Police Insp. Diogene Gaoen at napuna ang komosyong nagaganap sa loob ng nasabing sasakyan.
Agad na sinundan ng tropa ang sasakyan hanggang sa pumarada ito sa may Balara Filter sa Brgy. Pansol. Dito na nagpasya ang awtoridad na lapitan ang sasakyan, subalit paglapit ng mga ito ay nagulat ang mga suspect at biglang nagpulasan patakas, subalit agad din silang naaresto.
Naabutan pa ng mga awtoÂridad si Victoria habang nakayuko sa loob ng sasakÂyan at iniligtas.
Narekober sa mga suspect ang tatlong baril, isang kalibre 45, isang kalibre 9mm, mga bala, isang granada, at hindi madeterminang gramo ng shabu.
Sabi ni Albano, sa ginaÂwang pagsisiyasat ng kanilang tropa, ang mga suspect din ang responsable sa tatlong kaso ng robbery holdup na kiÂnabibilangan ng isang UP faculty na si Perlita Frago-Marasigan noong Oktubre 16, 2013; sa mga negosyanteng sina Jen Victoria Peñaflor at Arem Miciano, noong Nobyembre 24, 2013; at isang Gemma Hoshino, noong NobÂyembre 28, 2013.
Tiniyak ni Albano na hindi na magagawang makapag-piyansa ng mga ito, lalo na ang may kinalaman sa illigal na droga.
Nanawagan din ang heÂneral sa mga naging biktima pa ng mga suspect na dumulog sa kanilang himpilan para sa sama-samang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
- Latest