P100-M PDAF ni Jinggoy sa Maynila, suportado ng konseho
MANILA, Philippines - Suportado ng konseho ng Maynila ang pagbibigay ng P100 milyon Priority DeveÂlopment Allotment Fund ni Senador Jinggoy Estrada para sa mahihirap na residente ng lungsod.
Sa resolusyon na iniÂhain ni Manila 3rd District CounÂcilor Joel Chua kasabay ng kanÂyang paghahain ng reÂsoÂlution upang gamitin ang nasabing halaga sa ilang proÂyekto ng lungsod ng Maynila.
Ayon kay Chua, lumilitaw sa report ng Commission on Audit (COA) na walang pera ang lungsod kung saan may utang ito na umaabot sa P3.5 milyon bukod pa bayarin sa Meralco na P613 milyon.
Paliwanag ni Chua, maÂlaking tulong ito sa lungÂsod dahil mismong ang mga Manilenyo ang siyang makiÂkinabang at hindi naman ang alkalde.
Maaari naman aniyang pagÂlaanan ang anim na osÂpital ng lungsod, 59 health centers, 12 lying-ins, isang unibersidad at isang city college.
Hindi aniya maikakaila na maraming Manilenyo ang mahirap at nangangailangan ng tulong.
Gayunman, sinabi pa ni Chua na kailangan ding suÂmailalim sa COA ang P100 milyon upang malaman kung saan napunta ang pera at hindi dapat na ginamit sa anuÂmang personal interest.
- Latest