^

Metro

Hindi na makakapasada prangkisa ng Don Mariano Transit, kinansela na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng buong fleet ng Don Mariano Transit Corporation na kinabibilangan ng 78 units ng mga bus.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na napatunayan nilang  nagkasala ang Don Mariano sa ibat- ibang kaso ng aksidente na ang pinakahuli ay ang pagkahulog ng isang  unit nito sa Skyway noong Disyembre 16 na ikinamatay ng  21 katao.

“Considering the number of violations committed by respondent in the past and now the discovery of its illegal change, transfer and use of a different chassis from that registered with the LTFRB and the LTO, it is only apt that is board go further from mere suspension or revocation of the particular unit involved in the accident or the certificate of public convenience (franchise) where the bus unit belongs,” nakasaad sa 20 pahinang ruling ng LTFRB.

Kaugnay nito, pinagbigyan naman ni Ginez ang pamunuan ng Don Mariano Transit na magsampa ng motion for reconsideration kaugnay ng kaso.

Ito ay makaraang sabihin ni Atty. Jason Cantil, kinatawan ng Don Mariano na iaapela nila ang desisyon sa LTFRB o sa Department of Transportation and Communications (DOTC) dahil problema nila kung saan kukuha ng pang-suporta sa pamilya ng mga nasawi at mga nasugatan.

Anya, nakapagpalabas na ang kompanya ng P11 milyon para sa mga biktima ng naturang aksidente  pero kailangan pa rin masustinihan ang pangangailangan pa ng mga  biktima.

Gayundin, mawawalan ng trabaho ang may 160 nilang  driver at kundoktor na umaasa sa kanilang kita sa pamamasada.

ANYA

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DISYEMBRE

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT

DON MARIANO TRANSIT CORPORATION

GAYUNDIN

JASON CANTIL

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with