BI sa mga dayuhan: Pananatili sa bansa gawing legal
MANILA, Philippines - Gawing legal ang pananatili sa bansa upang maiwasan ang anumang pagkakakulong at deportasyon.
Ito naman ang payo ni Immigration Commissioner SeigÂfred Mison sa lahat ng mga dayuhan na overstaying sa bansa na may pekeng immigration stamps na kusang loob na magtungo sa tanggapan ng Bureau of Immigration upang ayusin ang kanilang mga dokumento.
Ayon kay Mison, nakasaad sa general rule, na ang lahat ng mga kinokonsiderang alien na may pekeng immigration stamps at pekeng emigration clearance certificate (ECC) ay maaaring arestuhin anumang oras, ikulong at ideport.
Gayunman, kung kusang loob na magtutungo sa BI hindi umano ikukulong at sa halip ay tutulungan ng tanggapan na malinis at maayos ang kanilang papeles.
“The immigration bureau is taking a more humane approach to foreigners staying in the country illegally. Those who voluntarily surrender will not face detention. That is our commitment to them,†ani Mison.
- Latest