^

Metro

Shabu ugat ng away: Nobya binoga bago nag-suicide

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging madugo ang pagtatalo ng magkasintahan na posibleng may kinalaman sa ilegal na droga matapos na kapwa patay silang matagpuan sa loob ng isang apartelle sa lungsod Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Aiza Cortez, 27, ng Pangasinan at Ryan Guibon, 31, ng General Santos City.

Isang kawani ng Taxi Line Apartelle ang nasuga­tan matapos na tamaan ng bala habang kinakatok ang kanilang kuwarto na nasa ikalawang palapag.

Ang mga katawan ng mga biktima ay nadiskubre pasado alas- 5 ng hapon sa nasabing apartelle sa kahabaan ng P. Tuazon Boulevard sa Brgy. San Roque, Cubao.

Bukod sa dalawang baril, may anim na pirasong sachets ng hinihinalang 
shabu ang nakita sa loob ng bag na nasa loob ng motel, gayundin ang walo pang  tea bags ng shabu.

“Posibleng may sangkot sa kanila sa illegal drugs, gayong ang dami nito ay sobra sa ordinaryong user lamang,” ayon kay Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit.

Ayon kay SPO1 Jaime Jimena, may hawak ng kaso, may nakuha pa silang katulad na pulbos sa may toilet bowl ng kuwarto.

“Maaring tinangka na nilang i-flush ang  substance,” sabi ni Jimena, dagdag pa na ipinadala na nila ito sa crime laboratory para sa examination.

Sa inisyal na ulat, sinasabing posibleng binaril muna ni Guibon ang nobya bago ito nagtungo sa comfort room at nagbaril sa sarili.

Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan kung may iba pang anggulo sa insidente.

Si Guibon ay nasawi habang nakaupo sa loob ng kubeta dahil sa tama ng bala sa kaliwang sentido.

Ang partner nitong si  Cortez, ay natagpuang naka­handusay sa sahig sa ibaba ng kama.

Ang dalawa ay nag- checked in sa motel ganap na alas-6:50 ng gabi noong Huwebes at dapat ay matapos sila Biyernes ng hapon kung saan nadiskubre ang kanilang duguang katawan.

Ang kawani ng motel na si Ignalyn Cabelin, 29, ay pinapunta sa Room 26 para sabihan ang mga biktima na tapos na ang kanilang oras.

Matapos kumatok sa pinto, nagulat na lang ito nang makarinig ng putok sa loob ng kuwarto.

Agad na nagtatakbo si Cabelin pero may tama na siya sa kanang hita, saka inireport ito sa cashier na siyang nagtakbo sa kanya sa QMMC.

Sinasabing si Guibon ay palagiang nasa labas ng bansa partikular sa Saudi Arabia  batay sa nakitang impormasyon sa passport nito.

Inaalam din ng mga awtoridad ang hinalang  sangkot si Guibon sa isang foreign drug syndicate bilang isang drug courier na sinasabing ito umano ang pinag-awayan ng magkasintahan bago sila nakitang duguan.

Isang kalibre .22 homemade revolver na may bala at dalawang basyo ang nakita sa tanke ng kubeta habang isang kalibre .45 pistola ang narekober malapit sa katawan  ni Guibon na nakaupo sa kubeta.

May narekober pa na basyo ng kalibre.45 at tingga nito, mga duffel bags na gamit umano ng mga biktima.

AIZA CORTEZ

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

GENERAL SANTOS CITY

GUIBON

IGNALYN CABELIN

ISANG

JAIME JIMENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with