^

Metro

Tanod namaril: 1 patay, 1 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang binata ang patay habang sugatan naman ang isa pang kaibigan nito, makaraang pagbabarilin ng sumpak ng isang la­sing na barangay tanod ilang sandali matapos ang kanilang inuman sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Jet Siazon, 27, ay hindi na umabot pang buhay sa ospital habang ang kaibigan nitong si Jerome Gonzales, 24, ay nakaratay dahil sa tinamong tama ng bala sa kanang braso.

Ang suspek na nakilala sa pangalang si Eugenio Gato III, ay mabilis namang tumakas at ngayon ay pinaghahanap na ng awtoridad.

Nangyari ang insidente­ sa harap ng kanilang tinutuluyan sa Dakila St., Brgy. Batasan hills, ganap na alas-2:30 ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, bago ang insi­dente, si Siazon at Gato ay pansamantalang nanunuluyan sa biktimang si Gonzales.

Sabi ni Serbito, may dati na umanong alitan sina Siazon at si Gato at umusbong ito nang magtalo sila sa inuman.

Naging mainit ang pag­tatalo, hanggang sa magpasya sina Siazon at Gonzales na tumayo at pumasok sa loob ng bahay para matulog.

Subalit, walang ka­abog-abog ay bigla na lamang binaril ni Gato ang mga biktima, saka mabilis na tumakas.

Matapos ang pama­maril ay agad na sumibat palayo ang suspek, habang itinakbo naman ng kanyang mga kaibigan sa hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Siazon, dahil sa tama ng mga bala sa dibdib.

Si Gonzales naman matapos malapatan ng paunang lunas ay inilipat naman sa FEU-Medical center kung saan ito pa­tuloy na ginagamot.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

DAKILA ST.

EUGENIO GATO

GATO

GONZALES

JEROME GONZALES

LOUIE SERBITO

SHY

SI GONZALES

SIAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with