^

Metro

Manila City hall walang pasok ngayon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang pasok ngayon sa Manila City hall at iba pang sangay nito kasabay ng  pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ito’y matapos na pirmahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Executive Order  no. 42 na nagtatalaga na walang pasok sa mga city government offices upang bigyan daan ang mga deboto na makasama at makalahok sa traslacion ng Itim na Nazareno.

Una nang idineklara ni Estrada na walang pasok sa mga public at private schools upang hindi na maipit pa at maabala ang mga estudyante sa kanilang pagpasok at pag-uwi.

Gayunman, may pasok naman ang mga tauhan ng emergency and disaster team, health at social services offices upang mabigyan ng sapat na atensiyon at tutulong sa mga iba pang kawani ng  pamahalaan na magbibigay ng tulong sa mga namama­nata at sumama sa  prusisyon.

EXECUTIVE ORDER

GAYUNMAN

ITIM

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NAZARENO

PISTA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with