^

Metro

MRT, nagkaaberya na naman!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos na magkaaberya sa riles ng tren na tumagal din ng may kahalating oras at nagresulta sa pag­haba ng pila ng mga pasahero nito.

Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol III, ganap na alas-6:25 ng umaga nang magkaroon sila ng “red aspect o technical defect” sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Station­ dahil nagkaproblema sa riles ng tren.

Kaugnay nito, nagpatupad aniya sila ng provisional service­ mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Station.

Maging ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 ay naapek­tuhan din ng aberya sa MRT.

Sinabi ni LRT Authority spokesperson Hernando Cabrera na dumami ang kanilang mga pasahero sa LRT-1 dahil sa disruption ng MRT operations.

Isa pa aniya sa dahilan nito ay ang ipinapatupad na traffic re-routing bilang paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno.

Kaagad namang naisaayos ang problema matapos ang isinagawang visual inspection sa riles at naibalik ang normal­ na operasyon ng MRT ganap na alas-6:57 ng umaga.

AYON

BUENDIA

GENERAL MANAGER AL VITANGCOL

GUADALUPE STATION

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

SHAW BOULEVARD STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with