^

Metro

Kahit nakayapak pwede sa LRT, pero hindi libre

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng ta­ga­pagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na makakasakay sa kanilang mga tren ang mga deboto ng Itim na Nazareno kahit na pawang nakayapak ang mga ito.

Ngunit nilinaw ni LRTA spokesman Atty. Hernando­ Cabrera na hindi sila makapagbibigay ng libreng sakay sa mga deboto.

“Wala po libreng sakay sa LRT sa darating na Enero­ 9 sa Pista ng Itim na Nazareno,” ayon sa pahayag­ ni Cabrera sa kanyang Twitter­ account.

Inaasahan naman ng LRTA na lalong magkakaroon ng pagsisikip sa kanilang mga tren dahil sa pag­dagsa ng higit sa 9 milyong deboto sa Quiapo, Maynila.  Ginagawan na umano nila ng paraan para hindi magkaroon ng pagkaantala sa kanilang sistema.

Pinakiusapan naman ni Cabrera ang mga pasahero na huwag gumawa ng aksyon para bumagal ang ope­rasyon tulad ng pagpigil sa pagsasara ng pintuan ng mga tren, pagtutulakan na nagdudulot ng aksidente, at pagpindot sa emergency button­ sa itaas ng pinto ng mga tren.

Bumibiyahe ang LRT Line 1 mula Roosevelt Sta­tion sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque habang ang LRT Line 2 ay mula Santolan sa Pasig City hanggang Recto Avenue sa Maynila. 

Pinakamalapit sa Quiapo, Maynila ang mga istasyon ng LRT 1 ang Carriedo Station at Recto Station sa LRT 2.

CABRERA

CARRIEDO STATION

ITIM

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MAYNILA

NAZARENO

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with