^

Metro

2-anyos patay sa tigdas sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos itong tamaan ng tigdas sa Caloocan City.

Ayon kay Ruel Gundran, ng Brgy. 139 ng naturang siyudad, ama ng nasa­wing si Rodgene, nabatid na noong Disyembre 29, ng nagdaang taon nagkalagnat at na-dehydrate ang kanyang anak.

Dahilan upang isugod nila ito sa Diosdado Macapagal Hospital na ngayon ay Caloocan Medical Cen­ter, subalit dahil sa dami ng pasyente karamihan  ay may sakit na tigdas ay hindi umano sila naasikaso dito.

Kung kaya’t iniuwi muna nila ang bata at nang lumalala ito ay kanilang dinala na lamang sa Manila Central Uni­versity (MCU) Hospital, subalit binawian ng buhay si Rodgene habang nilalapatan ng lunas dahil sa dehydration.

Ayon sa Caloocan City Health Department, base sa record ng Department Of Health (DOH), isa ang naturang lungsod sa Metro­ Manila ang may “out break” ng tigdas.

Base pa rin sa rekord, noong nakaraang taon, naunang napaulat na isa umanong  magkapatid ang magkasunod na nasawi sa nabanggit na barangay dahil sa tigdas.

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HEALTH DEPARTMENT

CALOOCAN MEDICAL CEN

DEPARTMENT OF HEALTH

DIOSDADO MACAPAGAL HOSPITAL

MANILA CENTRAL UNI

RODGENE

RUEL GUNDRAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with