^

Metro

Ex-con, balik-kulungan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik-kulungan ang isang ex-convict matapos na muli itong maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Plaza Miranda­  Police Community Precint  bunsod na rin ng reklamo ng isang  babae na hinoldap nito sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Rommel Anicete ang suspect na si  Michael Santos, 44, miyembro ng  Bahala  Na Gang at residente ng no. 1065 A. Rivera St. Tondo, Maynila.

Batay sa report, dakong alas-6 ng hapon noong Huwebes ng tutukan ni Santos at kasamahan nito sa Raon at Evangelista Sts. ang biktimang si Cristal Lascano ng no. 895 Quezon  Blvd. Quiapo, Maynila. Kinuha ng suspect ang Galaxy Ace cellphone ng biktima.

Humingi ng tulong si Lascano sa mga nagpapatrol­yang pulis na sina PO2 Zaldy Francisco at PO1 Reynaldo Fortaliza­  na agad namang  rumadyo kay Anicete.

Agad namang nirespondehan nina Anicete kasama si PO2 Joseph Almayda ang biktima at pinuntahan ang panulukan ng Recto at Avenida kung saan nakorner si Santos ayon naman sa deskriprisyon ng  biktima.

Lumilitaw sa record na ang suspect ay kalalabas lamang­ ng New Bilibid Prison noong Agosto 23, 2013 kung saan nakulong ito noong 2010 sa kaso ding robbery.

 

vuukle comment

ANICETE

CRISTAL LASCANO

EVANGELISTA STS

GALAXY ACE

JOSEPH ALMAYDA

MANILA POLICE DISTRICT-PLAZA MIRANDA

MAYNILA

MICHAEL SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with