^

Metro

Murder suspect todas sa pulis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking may warrant of arrest sa kasong murder ang patay, makaraang mabaril ng awtoridad nang tangkain ng unang manlaban habang inaaresto dahil sa nasabing kaso sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, namatay habang  dinadala sa East Avenue Medical Center si Melchor Lumantad, may-asawa.

Sabi ni Tejerero, nakasagupa ni Lumantad ang tropa ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit na sina PO3 Juanito Felices; PO2s Ramil Langa, at Randy Gandingco, na aaresto sana sa kanya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ni Judge Rosanna Fe Romero Maglaya ng RTC branch 88 ng Quezon City.

Dakong alas-4:10 ng hapon ng maganap ang insidente sa harap ng isang bahay sa no. 21 Dahlia St., Zone 6, Old Capitol St., Diliman.

Bago nito, nakatanggap umano ng impormasyon ang tropa ng QCPD-CIDU hingil sa pagkakakita kay Lumantad na pagala-gala sa may Dhalia St. Old Capitol, Diliman.

Agad na ipinadala ang tatlong nabanggit na operatiba sa lugar, bitbit ang warrant of arrest para kunin si Lumantad.Kasama ng mga operatiba ang barangay kagawad na si Roberto Lim, ay naispatan nila si Lumantad na naglalakad patungo sa kanila. 

Sa puntong ito, nagpakilalang pulis ang mga awto­ridad at habang inaaresto nila si Lumantad, biglang atras ito saka nagbunot  umano ng patalim at umakmang aatakehin ang mga una.

Sa kabila nito, pilit na pinasusuko ng mga operatiba ang suspect, subalit kinuha naman nito ang isang granada sa kanyang bulsa at tinangka ibato sa mga awtoridad dahilan para siya paputukan ng mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa lugar ang isang patalim at isang granada.

ANTHONY TEJERERO

DAHLIA ST.

DHALIA ST. OLD CAPITOL

DILIMAN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JUANITO FELICES

JUDGE ROSANNA FE ROMERO MAGLAYA

LUMANTAD

MELCHOR LUMANTAD

OLD CAPITOL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with