Kelot humingi ng pasensiya bago nangholdap
MANILA, Philippines - “Pasensya na kayo, giÂnawa ko lamang ito dahil sa anak ko,†ito umano ang katagang binitiwan ng isang lalaki nang holdapin ang isang spa kung saan natangay niya ang aabot sa P20,000 halaga ng cash at mga mahahalagang gamit sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Gayunman, ayon kay SuÂperintendent Limuel Obon, hepe ng Kamuning Police Station, tila estilo na ito ng suspek na nakilala nilang si Manuel Taguin, residente ng Rodriguez, Rizal, dahil nasa rogue gallery na nila ito at naaresto dahil sa panghoholdap sa isang bus.
Sabi ni Obon, si Taguin ay natukoy matapos na ituro ng mga biktima sa rogue’s gallery bilang suspek na nangholdap sa Paint and Pretty Nail Spa na matatagpuan sa Matatag St., Brgy. Pinyahan sa lungsod.
Dagdag ni Obon, nagawang matangay ng suspek sa spa ang halagang P17,240 na cash, apat na cell phones, isang Casio wristwatch, gayundin ang credit cards, ATM cards at iba pang identification cards.
Walang nakakabit na closed circuit television (CCTV) camera ang establisemento na maaring maÂging batayan sana nila sa panghoholdap.
Sinabi pa ni Obon na limang katao ang nasa spa, kabilang ang kawani at kosÂtumer nang isagawa ng suspek ang panghoholdap, ganap na alas-8:26 ng gabi.
Sinasabing pumasok ang suspek sa spa at nagkunwaring kostumer kung saan nagtanong pa umano ito ng presyo ng serbisyo para sa kanyang asawa.
Matapos nito ay umalis ang suspek saka bumalik ilang segundo at nagdeklara ng holdap.
- Latest