23 nanonood ng fireworks sa Pasay nasabugan
MANILA, Philippines - Aabot sa 23 katao ang nasugatan at isinugod sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City makaraang masabugan ng mga lumihis na paputok sa taunang “New Years Countdown†sa isang mall sa Pasay City nitong Enero 1.
Karamihan sa mga biktima ay agad rin namang napalabas ng pagamutan makaraang mabigyan ng paunang lunas dahil lamang sa mga bahagyang pinsalang natamo.
Pinakamatindi sa mga biktima ang gurong si Marlyn Tiangha, 48, ng Gen. T. De Leon, Valenzuela City na nagtamo ng 1st degree burn sa may dibdib habang naratay rin sa pagamutan ang 21-anyos na si Sonny Boy Hernandez, service crew, na hinimatay nang sumabog sa harapan ang mga paputok.
Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-11 pa lamang ng gabi bago ang Bagong Taon nang dumating si Tiangha sa mall at hinintay nang sumapit ang alas-12 ng hatinggabi para sa fireworks display.
Labing-tatlong minuto pa lamang ang nakalilipas nang lumihis ang direksyon ng isang set ng mga paputok na sa halip na pataas ay patagilid ito. Napunta ang mga papuÂtok malapit sa mga taong nanonood na pawang nasabugan.
Isinasailalim naman sa pagtatanong ng Pasay Police si Roberto Basehan, isa sa Pyro technician na namahala sa naturang fireworks show.
Samantala, nangako naman umano ang pamunuan ng mall na sasagutin ang lahat ng gastos sa pagpapagamot sa mga naging biktima ng palabas.
- Latest