^

Metro

Trader utas ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital dahil sa apat na tama ng bala ang isang 63-anyos na negosyante nang tambangan ng riding-in-tandem, habang naglalakad sa Malate, Maynila, kahapon ng hapon.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang kinilalang si Victor Mendoza, ng Taft Avenue, Malate, Maynila.

Pinaniniwalaang hired kil­lers ang dalawang nakatakas na suspect na sakay ng isang motorsiklo.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Benito Cabatbat, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng hapon nitong Sabado nang maganap ang pamamaril sa Vasquez  St., malapit sa panulukan ng Pedro Gil St., sakop ng Malate.

Bagamat nasaksihan ng ilang tao na may ginagawa sa tapat ng PLDT warehouse, wala naman ni isang nais magsalita.

Nabatid na katatapos lamang mananghalian ng biktima at ugali nito na maglakad-lakad muna nang biglang sumulpot ang “tandem” at salubungin siya ng mga putok.

Nang nakahandusay na sa kalye ang biktima ay bumaba sa motorsiklo ang gunman at muli pang pinaputukan ito upang tiyaking hindi na ito mabubuhay

Batay sa nakuhang impormasyon, kagagaling lang sa Hong Kong ng biktima at kamakalawa lamang dumating sa bansa.

 

vuukle comment

BAGAMAT

BENITO CABATBAT

HONG KONG

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

TAFT AVENUE

VICTOR MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with