^

Metro

Brgy. hall niratrat: Tanod utas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay tanod makaraang paulanan ng bala ng hindi pa mabilang na salarin ang isang barangay hall sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si John Armiel Quilantang, 20, na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib.

Isinugod naman sa iba’t ibang pagamutan dahil sa pagkakasugat ang iba pang biktima na sina Maynard Alfaro, 33, Chairman ng Brgy. 134 Zone 13; Kagawad Noel Mariano, 43; Kagawad Jose Maria, at isang Frank Reyes, ng Makati City.

Sa ulat ng Pasay City Police, nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng barangay hall ng Brgy. 134 Zone 13 dakong alas-9:30 ng gabi nang biglang sumulpot ang tatlong armadong lalaki sa bintana at agad na nagpaputok ng baril.

Agad na tinamaan ang tanod na si Quilantang habang nagtamo ng bahagyang pinsala ang iba. Sinabi ni Chairman Alfaro na agad siyang nakakubli sa katabing kuwarto at nakuha ang kanyang baril saka nakipagpalitan ng putok sa mga salarin. 

Sinabi rin ni Kagawad Mariano na nang makarekober siya ay nagbunot rin siya ng kanyang baril at nagawang makipagbarilan sa mga hindi kilalang kriminal. Dahil dito, napilitang tumakas­ ng mga salarin at naiwan pa ang itim na Yamaha Mio Soul scooter na walang plaka.

Sa footage ng closed circuit television (CCTV) sa ka­tabing barangay 130 Zone 13, nakita na sakay ang tatlong gunman sa narekober na scooter, sinusundan ito ng isang gray na kotse, at isa pang motorsiklo lulan pa ang dalawa pang lalaki. Narekober naman sa loob ng barangay hall ang sari-saring basyong bala ng kalibre .40 at kalibre .45 baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo ng naturang krimen habang inaalam rin kung may mi­yembro ng pulisya sa panig ng mga salarin makaraang makita sa CCTV na isa sa mga gunmen ay nakasuot ng PNP athletic uniform habang ang scooter na narekober ay may sticker ng PNP at Manila Police District (MPD).

 

BRGY

CHAIRMAN ALFARO

FRANK REYES

JOHN ARMIEL QUILANTANG

KAGAWAD JOSE MARIA

KAGAWAD MARIANO

KAGAWAD NOEL MARIANO

MAKATI CITY

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with