Binata pinasok, inutas sa bahay habang tulog
MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang 22-anyos na binata nang pasukin sa bahay ng hindi pa tukoy na mga suspect, habang natutulog, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead on the spot ang biktimang si Darwin Odal, ng Barangay 275 Zone 25, Gate 54 Area C ,Parola Compound, Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas -12:10 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima.
Nakarinig lamang ng mga putok ang ilang residente sa mga oras na iyon, bago natagpuang wala ng buhay ang biktima.
Patuloy pang iniimbestigahan kung may kinalaman sa iligal na droga ang krimen.
- Latest