2 totoy na namamasko, hindi na binigyan, inuntog pa ang ulo
MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong child abuse ang isang lalaki na inakusahan ng dalawang batang lalaki na nag-untog sa kanilang ulo sa bakal na gate habang sila ay namamasko kamakalawa.
Sinampahan na kahapon ng kasong child abuse sa Pasig Prosecutor’s Office ang suspek na si Gilbert Miguel Cayton, alyas Bembo, 52, isang aircraft painter, ng Purok Ilaya, Brgy. Buting, ng naturang lungsod.
Sa salaysay kay PO2 Amy Baldonado ng dalawang bata 11-anyos na bata na itinago ang pagkakakilanlan, namamasko sila sa gate ng compound kung saan nakatira rin ang umano’y kanilang ninang nang may sumigaw ng “patawadâ€. Hindi pa rin umano umalis ang dalawang bata hanggang sa lumabas ang suspek na si Cayton.
Sa depensa ni Cayton, inakala umano nito na may ginagawang masama ang dalawang bata na kanyang sininghalan at hinabol. Nang maabutan ang mga bata, sinakal umano ang mga ito at iniuntog sa gate na bakal ang ulo dahilan para magkasugat at bukol ang mga ito.
Ayon naman sa mga bata, sinisilip lang nila ang loob ng compound upang malaman kung nasa loob ang kanilang ninang para mamasko nang lumabas ang galit na suspek sanhi upang matakot sila at magtangkang tumakbo.
- Latest
- Trending