MANILA, Philippines - Muli na namang nalusutan ng kilabot na riding-in-tandem ang pulisya makaraang holdapin at pagbabarilin ang empleÂyada ng isang sanglaan na magdedeposito sana ng malaking halaga ng salapi, kahapon ng umaga.
Inisyal na nakilala ang nasawi na si Raquel Ricafrente, empleyado ng Tambunting Pawnshop sa may Calatagan St., Brgy. PalaÂnan, Makati City.
Sa ulat, magdedeposito sana ng P400,000 kinita ng sanglaan ang biktima sa kanilang banko dakong alas-11 ng umaga. Kalalabas pa lamang nito ng tanggapan dala ang bag ng pera nang harangin na ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at pilit na hinablot ang bag.
Nakipag-agawan pa umano ang biktima sa mga salarin kaya ito pinagbabaÂril sanhi ng kanyang agad na kamatayan. Mabilis namang tumakas ang mga holdaper lulan ng motorsiklo ngunit hindi natangay ang bag ng pera.
Sinabi ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na bineberepika nila ang pahayag ng ilang saksi na nagtamo rin ng tama ng bala ang gunman nang aksidenteng pumutok ang baril nito habang isinusukbit sa tagiliran.
Inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na suyurin ang mga pagamutan at mga klinika sa lungsod sa pag-asang isusugod ito ng kasamahan.
Inaalam naman ng puÂlisya ang eksaktong halaga ng perang laman ng bag makaraang P130,000 na lamang ang marekober sa loob nito.