^

Metro

Driver ng bus na nahulog sa Skyway, pumanaw na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumanaw na rin kamakalawa ng gabi ang tsuper ng Don Mariano bus na nahulog sa Skyway noong Disyembre 16 makaraan ang isang linggong pagkaka-comatose sa pagamutan.

Ayon kay Efren Risomadero, nalagutan ng hininga ang kanyang pinsang si Carmelo Calatcat dakong alas-6:43 habang nasa “intensive care unit (ICU)” ng Paranaque Doctors Hospital. Hindi pa naman nag-iisyu ng opisyal na pahayag ang pagamutan.

Sinabi pa nito na nasa pagamutana ang live-in partner ni Calatcat na si Ledelyn Mondelangat nang bawian ang pasyente ng buhay.

Matatandaan na minamaneho ni Calatcat ang Don Mariano­ ordinary bus noong nakaraang linggo nang mawalan ng kontrol at malaglag sa itaas ng Skyway na nagresulta sa pagkasawi ng 18 katao.

Una na ring sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ng mga kaanak ng mga nasawing pasahero si Calatcat habang isang class suit ang pinaplano laban sa pamunuan ng Don Mariano Transit.

Nagresulta ang insidente sa pagkakasuspinde ng prangkisa ng Don Mariano ngunit lumalabas na may iba pang bus companies na pinatatakbo ang may-ari ng kompanya.  Umani rin ng napakaraming batikos ang kompanya buhat sa mga pasaherong nakasakay sa Don Mariano bus partikular ang pagiging kaskasero ng mga tsuper, aroganteng mga konduktor, mahinang maintenance ng mga bus at pakikipagkarerehan para sa makauna sa mga pasahero.

AYON

CALATCAT

CARMELO CALATCAT

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT

EFREN RISOMADERO

LEDELYN MONDELANGAT

PARANAQUE DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with