^

Metro

Kelot utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na pinaabot pa ng Pasko ang isang 44 -anyos na lalaki makaraang pagbabarilin at mapatay ng riding in tandem suspect habang naglalakad papauwi sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 6, nakilala ang nasawi na si Roderick Laurente, alyas Derek at residente ng Bacamara St., Don Fabian, Brgy. Commonwealth sa lungsod. Si Laurente  ay agad na nasawi makaraang magtamo ng limang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspect makaraan ang pamamaril. Nangyari ang insidente sa may Don Fabian St., corner Dear St., Brgy. Çommonwealth, ganap na alas- 7: 25 ng umaga.

Ayon sa ulat naglalakad umano sa lugar ang biktima nang biglang lapitan ng suspek at pagbabarilin.

Sinasabing katatapos lamang umanong mag-jogging ng biktima  nang sundan ito ng isa sa mga suspek at pagsapit sa naturang lugar ay pinagbabaril pagkatapos ay nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

vuukle comment

AYON

BACAMARA ST.

BRGY

DEAR ST.

DON FABIAN

DON FABIAN ST.

QUEZON CITY POLICE STATION

RODERICK LAURENTE

SI LAURENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with