Sekyu inatado habang nagdu-duty
MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng hindi nakikilaÂlang salarin sa mismong pinagtaÂtanuran nito sa lungsod QuezonÂ, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni SPO1 Cris Zaldarriga, ang biktima sa paÂngalang Jo Mabanan, security guard ng Alcal BuildingÂ.
Ayon kay Zaldarrriaga, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay at may mga saksak sa buong katawan sa mismong gusali na pinagtatrabahuhan nito sa Katipunan Avenue, Barangay Loyola Heights, sa lungsod.
Lumilitaw sa imbesÂtigasÂyon na ang biktima ay nagÂtamo ng mga saksak sa buong katawan na siyang agad na ikinamatay nito.
Samantala, inaalam din ng imbestigador kung sino ang huling kasama ng biktima bago ito matagpuang patay.
- Latest