^

Metro

Malate fire: 2 patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa ang nasawi sa naganap na sunog sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw na tumupok din sa may 100 kabahayan.

Kinilala ni Manila Arson Investigator Chief Inspector Ramon Geronimo ang mga biktimang sina Ro­sario Garcia, 95, at Rodolfo Castro, 62, na kapwa na-trap sa loob ng kanilang bahay sa Zapanta St. sa naturang lugar.

Batay sa report, na­ganap ang sunog dakong ala-1:30 ng madaling-araw. Umaabot sa 50 bahay ang  natupok.

Sinabi ni  Aquino  Samblaneno kapitbahay ng mga biktima, nagulat na lamang sila nang makita ang mga nagliliparang  alipato kung saan sinubukan nilang apulahin hanggang sa tumawag ng  bumbero.

Dahil sa light materials mabilis na kumalat ang apoy na tumagal ng halos dalawang  oras.

Ayon sa  kay Noli Garcia­, apo ng biktimang si Rosario,  sinubukan nilang iligtas ang kanyang lola at tiyuhin subalit naging­ mabilis ang pangyayari at pagkalat ng apoy.

Nahirapan din ang mga bumbero na pasukin ang  lugar dahil sa sikip ng daan at dikit-dikit na ka­bahayan.

Inaalam pa ng  mga  awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng naabong ari-arian.

Idineklarang kontrolado ang apoy dakong alas-4:30 ng  madaling-araw.

AQUINO

AYON

BATAY

DAHIL

MANILA ARSON INVESTIGATOR CHIEF INSPECTOR RAMON GERONIMO

NOLI GARCIA

RODOLFO CASTRO

ZAPANTA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with