Pulis ginulpi sa basketball court
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan matapos aresÂtuhin ng mga awtoridad dahil sa panggugulpi sa 37-anyos na pulis sa basketball court sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Bukod dito, inakusahan din ni PO2 German Amot ng Police Security Protection Group ang mga suspek na sina Efren Carillo Jr. at Avelino Brul ng pagkuha sa kanyang gold bracelet na nawala matapos ang kaguluhan.
Ayon kay PO2 Julius Cesar Balbuena, naganap ang insidente ganap na alas-7 ng gabi sa bisinidad ng baskeball court sa BaÂrangay Sauyo, Novaliches.
Nabatid na nanonood ng basketball ang nakaupong biktima kasama ang pinsan nang lapitan ni Brul na sinasabing lango sa alak.
Pinaalis ang biktima sa kinauupuan subalit nagpakilalang pulis ang biktima pero binalewala ni Brul.
Dahil dito, nagkainitan ang dalawa hanggang sa suntukin ni Brul ang biktima kung saan tumulong na rin ang grupo ni Carillo.
Tinangkang tumulong ng pinsan ni Amot na awatin ang grupo pero hindi nito nakaya hanggang sa huÂmingi ng ayuda sa barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip kay Brul at Carillo.
- Latest