^

Metro

Kasong murder vs pulis Maynila na pumatay sa kabaro

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim na kaha­pon ng hapon sa inquest proceedings sa kasong 
murder ang isang miyembro ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs (MPD-DAID) na pumatay sa kapwa­ pulis na naka­talaga naman sa MPD-District Special Operations Unit (DSOU) Sa­bado ng madaling-araw.


Si PO2 Juqiex Bello Quinto, 30, may-asawa,  ng #3507 Vigan St., Sta. Mesa, Maynila ay na­inquest dakong alas-2:30 ng hapon kahapon at  kasalukuyang nakapiit sa MPD Integrated Jail sa MPD headquarters, sa  UN Avenue at doon na siya mananatili hanggat hindi pa naglalabas ng resolusyon ang Manila Prosecutor’s Office hanggang sa magpalabas na rin ng commitment order ang korte upang ilipat siya sa Manila City Jail.


Ang labi naman ng biktimang si PO1 Anthony Lagonera  Alagde 32,  ay nakaburol na sa St. Peter Funeral sa Araneta Avenue, Quezon City.


Nabatid na iniwan ni Alagde ang misis na si Mary Ann Dona-Alagde, at 3 anak. Si Mary Ann ang tumayong com­plainant sa reklamong 
murder, batay na rin sa mga testimonya ng testigong sina Arrianne 
Ricabierca, PO2 Nimitz Pacure at PO2 Elmer Revita, kapwa ng MPD.
 Nakasaad  sa affi­davit ng tatlo na  nasak­sihan nila ang pagbaril sa biktima ng suspect habang nakaupo at naka­talikod ang biktima, dakong alas 4:00 ng mada­ling araw noong Disyembre 21, sa Balbon’s Place and Restobar sa Herbosa Ext., Tondo, Maynila.


Mismong sina Pacure at Revita na rin ang nagsabing ang PNP issued na Stoeger 9mm pistol ng suspect ang ginamit sa pamamaril nito sa biktima, na kanilang agad dinisarmahan at ina­resto.

ALAGDE

ANTHONY LAGONERA

ARANETA AVENUE

DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

ELMER REVITA

HERBOSA EXT

INTEGRATED JAIL

SHY

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with