Erap, Isko binisita si CGMA sa VMMC
MANILA, Philippines - Binisita kahapon ni Mayor Joseph Estrada kasama si Manila Vice Mayor Isko Moreno si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial MeÂdical Center (VMMC) sa Quezon City.
Alas-2 ng hapon nang mamataan ang pagsulpot ni Erap sa VeÂterans Memorial Medical Center (VMMC) kasama si Moreno at anak na si Jackie Ejercito kung saan alas 3 ng hapon nang sila’y papasukin sa loob.
Ayon naman kay Moreno, ang ipinakita ni Estrada ay indikasÂyon na nakapagpatawad na siya sa mga taong nagkasala sa kanya. Aniya, bihira lamang ang mga tao at opisyal ng pamahalaan na tunay na tumulong at nagÂpapatawad.
Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, maganda naman umano ang naging pag-uusap ng dalawa at mismong ang dating pangulo pa umano ang umestima sa kanilang mga bisita.
Nakasuot din umano ng kulay orange na damit si GMA sa pagbisita ni Erap, at nang tanungin naman si Topacio kung may pinag-usapan tungkol sa politika o ang pagsasanib puwersa ng dalawang partido. Tumanggi na itong magsalita, bagkus sinabi na lamang nitong “anything is possible under the sun.â€
Nauna nang dumalaw kay GMA si daÂting pangulong Fidel V. Ramos, at nang tanungin si Topacio kung pinag-usapan ang tungkol sa politika, tumanggi din itong magsalita sa halip sinabi din nitong, wala siyang alam, gayunman, mga politiko umano ang mga ito.
Patungkol naman sa kalagayan ni GMA, sinabi ni Topacio na malaki na ang ibinawas ng timbang nito hindi tulad ng dating pangulo pa ito ng bansa.
“Siguro ang kanyang ipinayat ay dahil sa karamdaman niya at nangyayari sa kanyang sitwasyon. Ang ideal kasi sa kanya ay house arrest, pero nirerespeto namin ang anumang utos,†ani Topacio.
Matatandaang pinaÂyagan ng SandiganÂbayan si GMA na makasama nito ang kanyang paÂmilya sa ospital para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.
- Latest