2 bangkay natagpuan sa QC
MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na may bakas ng paÂnaÂnakal at may tama ng bala sa ulo ang naÂtagpuan sa iisang baÂrangay sa lungsod Quezon.
Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, isa sa mga biktima ang hindi pa nakikilala habang ang isa ay natukoy sa nakuhang identification card mula sa kanya na si Carlos de Guzman.
Ang hindi nakikilalang biktima ay nakaÂsuot ng kulay green na t-shirt at dark blue na short pants at isinalarawan na nasa pagitan ng 35-40 anyos, kayumanggi, may taas na 5’5’’ at may tattoo na Evelyn, Jeffrox at Murphy.
Habang si de Guzman na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at itim na short pants ay nasa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’6â€, kayumanggi, at may mga tattoo na “Mallari Marc†at “Flores R-Vie†sa katawan.
Tiniyak naman ni Fabreag na patuloy ang imbestigasyon na kanyang gagawin para matukoy ang nasa likod ng nasabing mga pagpatay at makilala ang mga ito. Subalit, wala pa anya siyang nakukuhang saksi na posibleng nakakita sa nasabing pagpatay.
Bagama’t walang indikasyon na ang pagpatay ay magkaparehas, sinabi ni Fabreag na ang dalawang biktima ay pinaslang halos isang oras ang pagitan sa may Brgy. Bahay Toro, kamakalawa ng gabi.
Ayon pa kay Fabreag, ang mga biktima ay kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo gayundin ang bakas ng pagkakasakal sa kanilang leeg.
Maging ang baril na kalibre .45 ang parehas na ginamit din sa mga biktima. Pero hindi naman madetermina kung iisang baril nga ang ginamit sa pagpatay sa mga ito. Narekober sa lugar ang basyo ng nasabing kalibre ng baril.
Ang hindi nakikilalang biktima ay naÂtagpuan ng isang residente alas 9:30 ng gabi sa may kahabaan ng Pluto St. malapit sa Verde Real Homes ng naturang barangay.
Sabi ni Tito CortiÂzano, residente sa lugar, nanonood siya ng telebisyon sa kanyang bahay nang makarinig siya ng putok n baril sa labas.
Nang kanyang labasin para tingnan ay saka natagpuan ang biktima na nakahandusay sa semento kung kaya agad na itinawag niya ito sa barangay hall.
Alas-10:25 ng gabi nang matagpuan naman si de Guzman sa tabi ng isang bahay sa #34-B Fema Road.
Isang Josephine LauÂrente na residente naman sa lugar ang nakakita sa biktima matapos na lumabas ito ng kanyang bahay nang makarinig ng isang putok ng baril mula sa labas.
- Latest