Binoga sa mismong Xmas party, pulis utas sa bespren na pulis
MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-anyos na pulis makaraang barilin ng kanyang matalik na kaibigan na isa ring pulis sa mismong Christmas party ng kanilang grupo na ginanap sa isang restobar, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang nasawi na si PO1 Anthony Alagde, nakatalaga sa District Special Operations Unit (DSOU) ng MPD at residente ng Bambang St., Tondo, Maynila. Ang biktima ay anak ng isa ring miyembro ng Manila Police na si SPO4 Domingo Alagde, na kasalukuyang nakatalaga sa MPD-Station 1.
Naaresto naman kaÂagad ng mga kasamahang pulis ang suspect na si PO2 Jugiex Quinto, 30, residente ng Sta. Mesa, Maynila na nakatalaga sa MPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID). Ito ay kasalukuyang nakapiit sa MPD-Homicide Section.
Bagamat wala pang pormal na report sa insidente, nabatid na dakong alas-4:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.
Nabatid na masayang nagkakasayahan at nag-iinuman ang biktima at suspect kasama ang kapwa nila pulis sa kanilang Christmas party sa Balbon’s Restobar sa Herbosa st., Tondo, Maynila.
Nang malasing umano ang biktima ay inakbayan at tinutukan umano ng baril sa dibdib ang suspect, bagamat wala namang narinig na pinagtatalunan ang dalawa, hanggang sa kapwa sila bumalik sa pag-iinuman.
Maya-maya ay bigla na lamang pinaputukan sa ulo ng suspect ang biktima na tumagos sa mukha.
Hindi naman nagawa pang tumakas ng suspect nang pigilan na rin ng mga kasamahang pulis at i-turn over sa Homicide Section.
Dinala pa sa Mary JohnstoÂn Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Inaalam pa ang tunay na motibo sa pamamaril.
Depensa naman ng suspect, iligal na droga umano ang kanilang pinagtalunan.
- Latest