Vendors kinotongan, brgy chairman timbog
MANILA, Philippines - Arestado ang isang barangay chairman sa Maynila matapos umanong kotongan ng halagang P15,000 ang 10 vendor ng prutas, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Iniharap ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga mamamahayag ang suspect na si Richmond Liu, 37, ng Tondo, Maynila. Si Liu ay brgy. chairman sa Brgy. 285 Zone 26.
Batay sa report ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng Manila Action and Special Assignment (MASA), isa sa mga vendor ang nagtungo sa kanyang tanggapan upang ireklamo ang panghihingi ni Liu sa kanyang mga kapwa vendor ng prutas ng P15,000 bawat isa. Makapagtitinda lamang umano ang mga vendor kung magbibigay ng nasabing halaga.
Bunga nito agad na isinagawa ang entrapment operation dakong alas-3:45 ng hapon sa mismong barangay hall ni Liu kung saan dinakma ito sa aktong tinatanggap ang marked money. Nagtataka rin ang mga vendor kung bakit ngayon lamang sila hiningan ng naÂsabing halaga samantalang halos limang taon na silang nagtitinda sa lugar.
Ayon naman kay Estrada, mahigpit ang kanyang kautusan na bawal ang panghihingi o anumang pangingikil lalo na sa mga vendor.
- Latest