^

Metro

Crowd control ipinatupad na rin sa MRT

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang labis na siksikan at sakitan sa mga pasahero, nagpapatupad na rin ng “crowd control scheme” ang Metro Rail Transit (MRT) sa bawat istasyon nila sa EDSA.

Sa ilalim nito, hanggang 500 pasahero lamang ang papapasukin sa loob ng platform ng bawat istasyon at paghihintayin sa labas ang iba pa habang hindi nakakasakay ang mga pasahero na nasa loob.

Sinabi ni MRT General Manager Al Vitangcol III,  ipi­natupad nila ang ga­nitong sistema upang magkaroon ng tsansa ang ibang mga pasahero na naghihintay sa ibang is­tasyon na makasakay pa sa tren pagdating sa kanila.

Ginagawa umano kasi ng ibang pasahero ay nag­ra-roundtrip o hindi na bababa pagsapit ng EDSA-Taft Avenue station upang makaupo sila habang ang mga naghihintay ay mapipilitang tumayo.  Maiiwasan rin na mag-ipun-ipon ang mga pasahero sa mga unang istasyon na pangunahing dahilan ng matin­ding paghaba ng pila tuwing rush hour.

Sa pamamagitan umano ng crowd control, magkakaroon ng pantay na distribusyon ng bilang ng pasahero na makakasakay sa tren sa bawat biyahe nito.

Sa kabila nito, lumikha pa rin ng reklamo ang bagong panuntunan ng MRT dahil sa paghaba lalo ng pila sa labas ng mga istasyon ng halos kalahating kilometro.

Matatandaan na una nang nagpatupad ng “crowd control” ang Light Rail Transit Line 1.

GENERAL MANAGER AL VITANGCOL

GINAGAWA

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

MAIIWASAN

MATATANDAAN

METRO RAIL TRANSIT

PASAHERO

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with