Driver inutas sa saksak
MANILA, Philippines - Patay ang isang jeepney driver nang pagsasaksakin ng lasing na security guard kagabi sa Sta.Ana, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Felomeno Belleza, 53, walang asawa ng 1727 C 2nd St., DPWH Compound Punta,Sta.Ana, Maynila habang ginagamot naman sa Our Lady of Lourdes Hospital ang suspect na si Marlon Ramos, 25 ,binata ng 862 Gonzalo St ., Quiapo, Maynila.
Sa report ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, dakong alas 9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Old Sta.Mesa, Maynila.
Lumilitaw na sakay ng biktima ang suspek at dalawa pang di nakilalang babae na agad ding bumaba sa Sta. Mesa. Naiwang mag-isang pasahero ang suspect na lango sa alak at walang sabi-sabing pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Belleza.
Bagamat sugatan at duguan si Belleza ay nagawa pa nitong imaneho ang kanyang jeep na may biyaheng Punta-Pier ng ilang metro at nakahingi ng tulong kay Ricky Nicolas, 41, at nasambit pang ang suspect ang sumaksak sa kanya bago ito nalagutan ng hininga.
Agad namang humingi ng tulong si Nicolas sa pulisya kung saan mabilis na nagÂresponde ang mga tauhan ng MPD-Police Station 8.
Pagdating sa lugar, nilapitan ni SPO1 Ulidario dela Cruz ang suspect sa dyip na minamaneho ng biktima upang kumpiskahin ang patalim ng suspect subalit bigla nitong inundayan ng saksak ang una dahilan upang paputukan ito at tamaan sa kanang hita.
- Latest