UDM prexy inirereklamo ng faculty members
MANILA, Philippines - Inirereklamo ng mga guro kay Manila Mayor Joseph Estrada si Unibersidad de Manila President Dr. Benjamin Tayabas hinggil sa umano’y hindi makataruÂngang pamamalakad nito sa nabanggit na unibersidad.
Ilan lamang sa mga reklamo ng UDM Faculty Association ay ang kawalan umanong karapatan ni Tayabas na pamunuan pa ang unibersidad dahil mahina na umano ito matapos na dumaan sa isang heart by pass surgery kung saan hindi umano ito nagbigay ng anumang clearance mula sa kanyang doctor na karapat-dapat at malakas pa ang pangaÂngatawan upang humawak ng sensitibong puwesto.
Iginiit din ng mga ito ang kawalan ng appointment mula sa city government ang pagkakaupo ni Tayabas bukod pa sa pagiging overage nito batay na rin sa ReÂsoÂlution No. 990764 ng Civil Service Commission.
Nababahala umano ang faculty sa umano’y maling pamamalakad ni Tayabas kung saan maaaring masira ang reputasyon ng uniÂbersidad.
Subalit ayon naman kay Tayabas, ang reklamo ng mga guro at faculty ay bunsod na rin ng kanyang ginawang pagpapahinto sa umano’y ‘extra-load’ ng mga guro na umano’y nagiging gatasan ng mga ito.
Lumilitaw na may guro na sobra-sobra ang ‘extra load’ samantalang hindi naman naitataas ang kalidad ng pagtuturo at edukasyon sa UDM.
Nagsimula umano ang kanyang pagmomonitor nang makita niya ang pagkalat ng mga estudyante sa lansaÂngan gayundin sa ilang mga establisimyento samantalang oras ng klase.
Hindi umano tama na ginagastusan at pinopondohan ng pamahalaan ang UDM samantalang hindi naman maganda ang resulta ng mga nagtatapos ng kolehiyo dito.
Aniya, hangad ng UDM na makipagsabayan sa ibang unibersidad upang makakuha ng maayos at magandang trabaho ang mga nagsipagtapos dito.
Ito lamang ang tanging paraan upang mai-angat ang pamilyang mahihirap sa Maynila.
- Latest