2 holdaper sa bus, timbog
MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang arestado matapos biktimahin ng mga ito ang dalawang dalaga sa isang pampasaherong bus sa Caloocan City kahapon ng umaga. Nakakulong sa Caloocan City Police ang mga suspek na sina Reygie Radam, 19 at Gino Tagle, 18, kapwa ng Quezon City.
Sa pahayag ng mga biktimang sina Jhenty Paga at Mhaylanie Mesina, alas-11:30 ng umaga, ay nakasakay nila ang mga suspek sa pampasaherong bus at pagsapit nila sa EDSA Avenue, Caloocan City ay naglabas ng mga baril ang mga suspek at tinutukan ang mga biktima.
Kinuha ng mga suspek ang mga cellphone ng mga biktima bago pumara at bumaba ng bus, subalit sumunod ang mga biktima at nang makakita ng mga nagpapatrolyang mga pulis ay agad na humingi ng tulong kung saan nadakip ang mga suspect at nabawi ang mga kinulimbat sa kanilang biniktima.
- Latest
- Trending