Dagdag klinika kontra AIDS, bubuksan sa QC
MANILA, Philippines - Magbubukas ng dagdag na mga klinika ang Quezon City para solusyunan ang tumataas na bilang ng mga taga-lungsod na may sakit na AIDS.
Sa ngayon ay ang Klinika Bernardo sa lungsod ang unang panlalaking sundown social hygiene clinic na sentro sa pagkalinga sa mga may sakit na AIDS.
Ayon kay QC Mayor HerÂbert Bautista, layunin ng pagÂpaÂpadami ng naturang klinika ay para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga lalaki na naÂnganganib na magkaroon ng sexually-transmitted disease.
Sinabi ni Bautista ang hakbang matapos ilunsad sa Sulo Hotel ang Service Delivery Network for People Living with HIV (SDN-PLHIV) na itinataguyod ng United States Agency for International Development (USAID).
Anya target ng lokal na pamahalaan na itayo ang isang bagong Klinika Bernardo sa Novaliches.
- Latest
- Trending