2 kasambahay biktima ng ‘Dugo-dugo’, kinasuhan ng amo
MANILA, Philippines - Hindi umubra ang naging paliwanag ng magkapatid na kasambahay sa kanilang amo na sila ay nabiktima ng ‘Dugu-dugo gang’ kaya natangay ang P10-milyong halaga ng cash at alahas kung saan sila ngayon ang ipinagharap ng kasong qualified theft sa Manila ProseÂcutor’s Office.
Kahapon ng hapon isinalang sa inquest proceedings ang mga kasambahay na sina Madelyn, 20 at kapatid na si Jonalyn Calubiran, 21, tubong-Antique at stay-in sa Fermin St. Singalong, Malate, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga nang umalis ng bahay ang amo nilang negosyanteng si Evelyn Tansay, 52.
Nagulat umano si Tansay sa nangyari dahil ang dalawa ay tinuruan niya at mahigpit na binilinan tungkol sa modus operandi ng ‘Dugo-dugo gang’ upang huwag silang mabiktima.
Paliwanag ng suspect na si Madelyn, may tumawag na babae sa kanilang landline at sinabi na naka-aksidente ang kanilang amo at ‘50-50’ umano ang nasagasaan kaya nung marinig din nila ang boses ng amo na sinasabing nasa presinto ng pulis, sinunod nila ang utos na sirain ang drawer na pinaglalagyan ng mga alahas.
Inutusan din umano siya ng caller na dalhin ang alahas sa Coastal Mall sa Pasay at doon siya sinalubong ng suspect at pinabalik pa umano ng bahay upang kunin naman sa silid ng amo ang vault.
Dahil mabigat, tumulong pa umano si Jonalyn na buhatin ang vault na naglalaman ng mga cash at titulo ng mga lupa na pag-aari ng biktimang si Tansay.
“Sinabihan po ako ng babae na maghintay daw po don sa coastal mall at dadaanan ako ni ate don,â€pahayag ni Madelyn.
Dakong alas- 9:00 ng gabi nang dumating si Tansay natuklasan na ang pagkawala ng mga alahas at pera. May limang buwan pa lamang umanong nagsisilbi si Madelyn at 2 buwan lamang ang kapatid na si Jonalyn.
- Latest
- Trending