MANILA, Philippines - Dalawang umano’y mga holdaper na bumibiktima sa mga estudyante sa magkaÂkalapit na unibersidad ang napatay matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga elemento ng Galas Police Station 11 sa Brgy. Doña Imelda Quezon City, kamakalawa.
Isa pa lamang sa dalawang napatay ang nakilala lamang sa pangalang Anthony Santos.
Nakuha sa mga nasawi ang dalawang kalibre .45 pistolang baril.
Batay sa ulat ni PO2 Maedlon dela Vega ng QCPD-CIDU, naganap ang engkuwentro dakong alas-3:45 ng hapon sa KapaligÂsahan St., sa lungsod QuezonÂ.
Nagawa pa umanong maÂisugod sa United DocÂtors Medical Center ang isa sa mga biktima ngunit namatay din ito.
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Galas Police hinggil sa umano’y kahina-hinalang ikinikilos ng dalawang kalalakihan sa lugar kung kaya agad silang rumesponde malapit sa University of the East Ramon Magsaysay.
Gayunman namataan ng mga suspek ang papalapit na pulis kung kaya inunahan sila ng putok hanggang sa mapilitan silang gumanti na sanhi ng ikinamatay ng dalawa.
Tinangka pa umanong ihostage ng mga suspek ang isang residente sa pinagtaguan nilang bahay.
Ayon sa mga pulis may report sa kanila na may kinalaman umano ang dalawang napatay sa serye ng holdapan sa lugar na kadalasang binibiktina ay mga esudyante.