^

Metro

2 tirador ng estudyante, todas sa shootout

Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang umano’y mga holdaper na bumibiktima sa mga estudyante sa magka­kalapit na unibersidad ang napatay matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga elemento ng Galas Police Station 11 sa Brgy. Doña Imelda Quezon City, kamakalawa.

Isa pa lamang sa dalawang napatay ang nakilala lamang sa  pangalang Anthony­ Santos.

Nakuha sa mga nasawi ang dalawang kalibre .45 pistolang baril.

Batay sa ulat ni PO2 Maedlon dela Vega ng QCPD-CIDU, naganap ang engkuwentro dakong alas-3:45 ng hapon sa Kapalig­sahan St., sa lungsod Quezon­.

Nagawa pa umanong ma­isugod sa United Doc­tors­ Medical Center ang isa sa mga biktima ngunit namatay din ito.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Galas Police hinggil sa umano’y kahina-hinalang ikinikilos ng dalawang kalalakihan sa lugar kung kaya agad silang rumesponde malapit sa University of the East Ramon Magsaysay.

Gayunman namataan ng mga suspek ang papalapit na pulis kung kaya inunahan sila ng putok hanggang sa mapilitan silang gumanti na sanhi ng ikinamatay ng dalawa.

Tinangka pa umanong ihostage ng mga suspek ang isang residente sa pinagtaguan nilang bahay.

Ayon sa mga pulis may report sa kanila na may kinalaman umano ang dalawang napatay sa serye ng holdapan sa lugar na kadalasang binibiktina ay mga esudyante.

GALAS POLICE

GALAS POLICE STATION

IMELDA QUEZON CITY

MEDICAL CENTER

SHY

UNITED DOC

UNIVERSITY OF THE EAST RAMON MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with