2 Chinese, isa pa huli sa pekeng electronic product
MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang dalawang negosyanteng Chinese at isa pa ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya matapos masangkot sa pagbebenta ng mga pekeng electronic product sa isinagawang raid sa Binondo, Manila kahapon ng tanghali.
Sa ulat na isinumite ni Anti-Fraud Commercial Crime Division ng Criminal Investigation and Detection Group (AFCC-CIDG) kay Acting PNP –CIDG Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Wang Li Li, store manager ng J.B. Deguinon General Merchandise; Steven Chan, manager ng 168 Shopping Mall at Efren Reyes , Pinoy helper sa 999 Shopping Mall.
Ang mga suspect ay naaresto ng mga elemento ng AFCC-CIDG sa Binondo, Manila bandang alas-12 ng tanghali. Sinabi ng opisyal na ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte laban sa mga ito kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act( RA) 8293 o Trademark Infringement .
Nasamsam mula sa mga ito ang 178 piraso ng pekeng remote control television; 126 units ng mga pekeng Panasonic Telephone units;640 piraso ng pekeng PanasoÂnic plate/panel; 984 piraso ng mga pekeng Panasonic switches;586 piraso ng mga pekeng Panasonic outlets ad 110 piraso ng mga pekeng Panasonic sockets.
Ang mga nasamsam na mga pekeng produkto na nagkakahalaga ng P448,800.00 mula sa mga suspek ay dinala sa AFCC-CIDG headquarters sa Camp Crame bago ito itinurnover sa mga kinatawan ng Panasonic ManufacÂturing Phil. Corp. para sa kaukulang disposisyon.
- Latest